Saturday, September 12, 2009

Sawa na

Fed up
---

Nakakasawa na magmaneho nang maayos sa kalsadang bibihira ang may respeto sa batas trapiko at sa kapwa motorista. Nakakasawa nang magbasa/makinig/manood ng balita na wala namang magandang nilalaman. Nakakasawa nang mangarap na balang araw may pagbabagong mararating ang bansa at may mga tao pa din na marangal at maglilingkod ng tapat sa tungkuling pagsusumpaan.

Nakakasawa. Pero tuloy pa ding nananampalataya at nagdadasal na balang araw, at habang buhay pa ako, makakamit din ito.


/pnt

No comments:

Post a Comment